TAPE OF THE TAPE
Ito yung uso dati, bago pa naimbento ang mga CD, iPod at MP3. Madami pang ganito sa bahay ngayon. Ganito rin dati ang binibili ko nung wala pang CD burning. Album ng The Moffatts yata yung una kong binili simula ng mahilig ako sa music.
Hassle nga lang ang paggamit nito dahil hindi autoplay at di uubra ang push button at touchscreen technology. Pag minalas pa, maaaring kainin ng cassette player ang tape. Lagot ang mga kanta dahil pag nalukot yung mismong tape eh distorted na rin yung lalabas na sound. Di tulad ng sa CD, kahit magasgasan, ganun pa rin ang sound quality.
Natandaan ko pa noon nung nasira yung rewind button ng player namin, kukuha lang ako ng Panda ballpen, isasaksak sa isang butas at paiikutin lang ang tape para marewind. Nakakamiss lang dahil ngayon papindot-pindot na lang ang ginagawa ko pag may gustong pakinggan na kanta.
Vintage, pre!
(Source: yorence)