October 5th, 2011

May haters o bashers ka ba?

Kung ganon, ibig sabihin sikat ka.

Biruin mo, may mga taong naglalaan talaga ng panahon para isipin ka at kung anong pwedeng sabihin o ibato sa yo para masira ka. O kaya naman, hihilain ka nila pababa dahil sa tingin nila masyado kang nakakaangat sa kanila.

Aminin man nila o hindi, mga secret admirers mo sila. Kung sa tingin nila ay wala kang kwentang tao at hindi ka karapatdapat pag-usapan at pansinin, eh bakit ikaw na lang ang lagi nilang nakikita? At kapag ikaw ang topic ng isang kwentuhan, bakit ang dami nilang alam sabihin tungkol sa yo?

Para isipin na kadalasan, ang mga taong ito’y di mo naman talaga kilala, o kung kilala mo man ay di naman kayo close. At kadalasan din, wala ka namang ginagawa pero asar na asar at inis na inis na sila. Paano pa kaya kung hinarap mo pa sila?

Pero huwag, bad yun. Hindi mo naman sila katulad. Magkaiba kayo ng ugali kaya huwag mo na lang silang patulan. Hayaan mo na lang silang problemahin ka tutal sila lang naman ang gumagawa ng sarili nilang problema nila tungkol sa yo.

Tsaka di ba, sabi sa Bibliya, kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay?

Ako siguro, kapag may nanira o umaway sa akin, ipagpapasa-Diyos ko na lang siya. At kung binato nya ako ng bato, hihintayin ko muna ang birthday niya bago ko sya batuhin ng tinapay. At take note, hindi lang tinapay kundi cake pa ang ihahagis ko sa kanya.

Yun ang tinatawag na tunay na birthday “bash”.

Ang saya lang nun. Haha!

Hi nga pala sa mga “secret fans” ko dyan, kung meron man. Haha!

(Source: yorence)