So, this would have to be my last post in a very long time.

I will be very busy in the coming days, weeks and months. Something is calling and waiting for me up ahead. I don’t know what took me so long to realize it but now, I guess it’s about time for me to listen and go.

I love you Tumblr. You’ve been so awesome to me. It’s because of you that I’ve discovered so many wonderful people and things. This has been such a nice place. But sadly, I really have other equally important things to do outside of here.

Friends, stay cool and awesome. I wish you the best of life. I wish you’d still be here when I return. Lol. But seriously, thank you for making me a part of your Tumblr world. :)

This is not goodbye. Just see you soon.

Love,

Enzo

In the arithmetic of love, one plus one equals everything and two minus one equals nothing.

—- Mignon McLaughlin

HAPPY 21ST INSAN!

Sya si Gelo, pero tawag namin sa kanya kirat o nunal dahil ang laki ng mole nya sa kaliwang mata. Peace, insan! :D

Pero heartthrob yan. At sa lahat ng mga male cousins ko, pinaka tight kami nyan.

Araw mo ngayon. Debut mo na. Certified binata ka na. Pwede ka nang mag-asawa. Ay, hindi pa pala, tutal fresh grad ka, magtrabaho ka muna. Haha.

Hmmm, wala akong maisip na gift eh. Pwede cash na lang? Lol. Basta, aasahan ko yung pinangako mong lechon. Andyan na ba? Punta na ko, tutal malapit nang magtanghalian at tomguts na ‘ko.

Again, Happy Birthday! Sana’y malasing mo kami. :D

BITTERSWEET
Ito yung klase ng mensahe na mabigat sa pakiramdam. Yung kulang na lang, ayaw mo talagang paalisin yung tao dahil sobrang mamimiss mo sya. Kakakilala ko lang kay Klai pero nakakamiss na sya kaagad.
Ang sweet ng babaeng ‘to. Madaling lapitan at makagaanan ng loob. Magandang maging kaibigan.
Salamat sa mga happy moments nung meet up, kahit sandali lang tayong nagkasama. I wish you a safe and happy trip bukas!

BITTERSWEET

Ito yung klase ng mensahe na mabigat sa pakiramdam. Yung kulang na lang, ayaw mo talagang paalisin yung tao dahil sobrang mamimiss mo sya. Kakakilala ko lang kay Klai pero nakakamiss na sya kaagad.

Ang sweet ng babaeng ‘to. Madaling lapitan at makagaanan ng loob. Magandang maging kaibigan.

Salamat sa mga happy moments nung meet up, kahit sandali lang tayong nagkasama. I wish you a safe and happy trip bukas!

Sa totoo lang, ayokong mag abroad. :(

Kahit nilalapitan ka na ng opportunity, sa ngayon, ayoko pa rin. Nandito pamilya ko. Nandito mga kaibigan ko. Nandito pamamahay ko. Bansa ko to at mahal na mahal ko to.

Sadyang maraming bagay dito sa Pilipinas ang mamimiss ko. Lalung lao na yung kultura natin na walang katulad sa ibang bansa. Yung pagkain. Yung fiesta. Yung mga palabas sa TV. Marami.

Kung pupunta man ako, hindi muna ngayon. At kung matuloy, gusto ko mamamasyal lang ako. Ayoko ng pangmatagalan. Dahil kahit gaano pa karangya ang buhay sa ibang bansa, hinding hindi ko pa rin ipagpapalit ang buhay dito.

Sabi nga ni Gary V., babalik at babalik ka rin.

24 Things About May 24

(c) matabangutak

(c) kakantahankita

  1. Kahit maulan nung umaga, bumuti ang lagay ng panahon sa hapon, bago magsimula yung meet up. So walang dumating ng basa. Haha.
  2. Pati ugali ko sa school at office dinala ko rito. Akala ko kami na ang pinaka late na dumating. Buti na lang hinde.
  3. McDo pa rin ang first choice pagdating sa kainan.
  4. Walang Jolly Hotdog sa McDo.
  5. Dapat may pictures ka with the group at syempre with the Rhadson Mendoza.
  6. Pag matangkad ka, pumuwesto ka sa likod at mag tiptoe pag nagpapicture, para kitang-kita ka pa rin.
  7. Pwede palang pagtaguan ng hidden wealth ang loob ng cellphone.
  8. Wag paglaruan ang water fountain kung walang dalang extra shirt.
  9. Maingay sa Timezone.
  10. Pag nag CR, tandaan ang daan palabas. Bawal kasi pumasok sa Maintenance Room.
  11. Laging mag smile dahil baka pagtripan ka at kunan ka ng stolen shot.
  12. Naka 15,738 steps yata ako sa kalalakad namin.
  13. Masayang kasama at ka bonding ang mga Kapampangan.
  14. Gwapo’t magaganda ang mga Kapampangan.
  15. Talented at magaling kumanta ang mga Kapampangan.
  16. Sa mga bagong kilala, i follow mo sila sa Tumblr at i add sa Facebook.
  17. Mag-eenrol o pupunta sa school ang kadalasang alibi sa magulang pag pupunta sa meet-up.
  18. May KJ at sasabihan kang aattend pero hindi naman pala.
  19. Mahirap magpaalam at medyo malungkot pag uwian na at magkakahiwahiwalay na.
  20. Pero at least, nadagdagan ang mga kaibigan mo at mas nakilala mo sila sa personal.
  21. Walang sayang na oras sa meet up, kahit gabihin ka pa, kahit malayo pa ang uuwian mo. Basta importante, nag eenjoy ka.
  22. Kung may kasabay pauwi, pwedeng may extended meet-up sa ibang mall.
  23. Excited kang magkwento at mag upload ng pictures.
  24. It’s more fun in Pampanga.

Kahit gaano ka pa kagwapo o kaganda ngayon, tandaan mo, kukupas din yan sa takdang panahon. Pero yung mga bagay na hindi nasisilayan ng mata —- ang katalinuhan at kagandahan ng ugali —- kailan man, hinding-hindi yan mawawala.

Goal!

It’s been almost one year since I came to Tumblr. I remember back then, I wasn’t so into it. For me, it’s just another social networking site. I had no followers, no readers and nothing much to blog about.

It took me about a week to gain my very first follower. I couldn’t describe the feeling. Somebody actually followed me! I was very happy with that 1 follower I had. He inspired me to be active here.

Soon, I began sharing my thoughts, my ideas, my interests, my dreams, my life and my self in general. Then my followers grew and I blogged even more and became more and more familiar with Tumblr.

But I suddenly became note-conscious. I get disappointed and unhappy when I get one or two notes or sometimes, none at all. Worse, no one even leaves a message in my inbox or asks me things. I felt like a stranger. I was alone, aimless and on the verge of deactivation.

But as the days went by, things changed. I tried to reach out. I tried interacting with others. I wanted others to get to know me more. And thankfully, there were a few people who responded.

It’s only now that I’ve realized that the true purpose of blogging is not just to express yourself or gain followers and be famous or get the most notes on a post. For me, it’s really all about being around with people. How you get to know them, how you treat them, how you talk to them and how you eventually become friends with them.

And after almost a year, I can say that I’ve gained TRUE FRIENDS here. Those who really know and understand me. Those who can read the real me behind every post. Those who have reached out to me as well through TAs, replies and text messages. Those whom I’ve even met personally.

With that, I guess I’ve hit my goal on Tumblr! I’ve gained friends.

Thank you so much! You know who you are! :)

Kwentong Meet Up

May 24, 2012

Maulan nung umagang ‘yon, pero in good mood pa rin akong nagising dahil sa dalawang bagay. Una, yung American Idol Finale sa umaga at pangalawa, yung meet up sa Marquee Mall sa hapon. Nalungkot ako nung matalo si Jessica, kaya nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagtetext sa mga aattend ng meet up. Tinext ko si Jannah (missmalamya) kung tuloy. Tuloy daw, mga after lunch sa Marquee Mall sa Angeles City at nandun si Rhadson (matabangutak).

Wala naman akong kaplano planong pumunta, pero nung malaman ko na halos mga Kapampangan ang mga nandun at pati si matabangutak, nag decide na rin akong tumuloy. Si Archie (chitoboy) ang kasabay kong pumunta don. Sa SM Pampanga kami nagkita at pareho kaming first timer sa meet up.

Mga 3:00 p.m. na kami dumating sa Marquee. Nagkita kita kami sa 2nd floor, sa may tapat ng Abenson. Syempre, una kong nakita at nakilala si Jannah. First time naming magkita, nag hi hello at shake hands. Tapos yung kasama nya nakipag shake hands na rin. Di ko agad sya nakilala, so tinanong ko sya kung ano URL nya, sabi nya kakantahankita. Nagulat ako. Sya pala yun. Di ko kasi sya pinafollow. Ako din di nya pinafollow. Cute pala sya, may hawig ng konte kay Myrtle ng PBB at Klai ang pangalan nya. Heto silang dalawa ni Archie:

Tapos, hinanap ko kaagad si Rhadson. Nakaupo sya dun sa bench kakwentuhan si Pom (foreverlovinoldskool). Nagulat ako dahil tinawag nya kong Yorence at nakipag shake hands. Akalain mong kilala pala ako ng isang matabangutak? Wow. Tapos parang narinig ko pa syang nagsabing “pinafollow ko ‘to”. Bago pa lang ako sa Tumblr, pinallow na ako ni Rhadson. Sobrang GV lang.

Tapos, nandun din sina Leo (di ko alam URL), kaklase ni Rhads, sina Gino (kid-guy), Aubrey (itsmeaubreyy), Justin (eksaheradangjustin) at batangpayatot.

Kami pa lang non. Nagkuhanan ng pictures. Kwentuhan ng konte. Tapos, tinanong ako ni Rhadson kung ano gagawin o may activity ba. Wala naman akong ibang maisip kundi kumain or lumibot. may narinig pa nga ako gusto daw nilang manood ng sine. Pero naglakad lakad lang kami. As in lakad lang lakad, akyat baba sa escalator at lumibot. Kung may pangalan nga grupo namin, kami ang NoDirection. :D

Nung magutom, kumain kami sa McDo. Nag set up kami ng long table at pare-pareho lang inorder namin: Cheeseburger, Fries at Coke. Yung fries, pinagsama-sama namin sa iisang tray.

Tapos, dun na nagsidatingan yung iba. Sina Carlo (gudurosyu) na galing school, si Reyzel (toxicmisery) na galing Dr. Pearl at humabol din sina Nadine (pandaberries) at James (artkitekjames).

Here’s a candid moment with Klai and Jannah habang kumakain:

Binigyan nga pala ako ng Tumblr Doodle sticker ni Jannah, gawa daw ng isa pang Kapampangan blogger na si Chedy (chedybear) pero wala sya sa meet up. Kaso naiwan sa bag ni Archie. Nakalimutan kong kunin.

Heto yun, kasama sa picture with toxicmisery:

After McDo, pumunta kami sa Timezone sa 3rd floor. Sila naglaro, ako hindi mahilig at naiingayan. Haha. Pero di ko naman sila iniwan. Dun pa nga ako nakipag interact sa iba, lalo na yung mga bago kong kakilala.

Among them, na impress ako kay Pom. Ang cute nya, parang model tapos di ko alam na ang ganda pala ng boses nya. Kumanta kasi sya later sa park habang vinivideo ni Rhadson. Grabe, napapalakpak kami pagkatapos. Pang rnb yung boses. Galing! Way to go, Poms! :)

Tapos heto yung iba na naglaro.

Pumunta kami sa Marquee Park pagkatapos sa Timezone. Mga 5:00 pm na siguro kaya di na masyadong mainit. Picturan pa din dun. Pero wala ako nung mga group pictures anmin dahil nasa camera ni Klai at ni Rhadson.

Past 6:00 pm nung magpaalam para umalis si Rhadson. Then, mga ilang minuto lang nun, nagsi uwian na rin kami. Malalayo rin kasi mga bahay namin.

Pero ganun man kabiglaan at kasimple yung naging meet up namin, sobrang enjoy kami, lalo na ako. Ni hindi ko nga inexpect na ganun pala pag meet ups. Masayang makakilala ng mga bagong kaibigan, maka meet ng idolo at makipag bonding sa mga Cabalen. Sulit na sulit ang pagod at lakad. Haha.

Maraming salamat pala sa dalawang taong to for making the meet up possible, memorable at masaya:

Lalong lalo na sa yo Klai, na napakabait at napakasweet. Mamimiss ka namin pagbalik mo ng Hongkong. :(

At syempre sa lahat ng mga bagong kaibigan ko dito sa Tumblr. Thank you sa experience at sa mga funny moments. Bumabata ako sa inyo. Haha.

Sana may next time pa. At sana mas marami pa tayo, para mas marami pa tayong makilala at maka jamming. Ang saya lang eh.

Hanggang sa muli,

Kuya Enzo :)

YUN OH!
Di ko inexpect na mamimeet at makikilala ko ‘tong babaeng ‘to. Ang sweet at ang bait nya! Maganda pa kasi taga Pampanga. At ang nakakatawa, ngayon ko lang sya nafollow after naming magkita kanina.
Although hindi ko pa sya narinig kumanta. Haha.
Salamat, Klai! :)

YUN OH!

Di ko inexpect na mamimeet at makikilala ko ‘tong babaeng ‘to. Ang sweet at ang bait nya! Maganda pa kasi taga Pampanga. At ang nakakatawa, ngayon ko lang sya nafollow after naming magkita kanina.

Although hindi ko pa sya narinig kumanta. Haha.

Salamat, Klai! :)